Unang pangulo ng LeCom-Barasoain, (Lector-Commentator)
Tagapagpahayag ng mensahe ng Panginoon natin;
Hindi lamang sa salita kundi higit lalo sa gawa
Mababanaag pag-ibig niya sa Diyos at sa kapwa.
Nagsilbing ina ng Samahan, gumabagay tuwina;
Banayad magsalita, pagmamahal ay madarama
Sa pananamit at pustura, hahangaan mong talaga.
Sister Lubing, mahal ka namin
Alaala mo’y mamamalagi at laging gugunitain
Kung manghina man kami’t sa paglilingkod ay dumaing –
Sigasig at kapakumbabaan mo ang siyang magiging inspirasyon namin.
Nagmamahal,
Lectors & Commentators – Barasoain Church
3-25-2012
Naging pangulo at miyembro ng iba't ibang samahan -
CWL Catholic Women's League, Lector-Commentator,
Divine Mercy, El Shaddai, Adoration, Cenacle,
Catholic Charismatic Group, at iba pa.
Isa tunay na anak ng Simbahan.
Isang tunay na anak ng Diyos.
Mommy, rest in peace, kami na ang bahala.
Makakamit din natin ang katarungan.
Pangako ko yan.
At yan ang sabi ni Manang!