Tumaas na rin ang toll.
Tumaas na rin ang mga bilihin.
Isama pa ang tubig, kuryente, cable, pamasahe, renta, tution fee, atbp.
Nakakainis na di ba?
Kabi-kabila ang problema - pamilya, pera, kalusugan, trabaho, isama na rin ang
pang espirituwal... hay! Walang katapusan di ba?
Sa tv o radyo man wala na akong napanuod o narinig na magandang balita. Maliban na lang sa bagong programa ng GMA News TV na "Good News" ni Vicky Morales.
Kaya naman ng makilala ko si Nick nag-iba ang aking pananaw sa buhay.
Matapos kong mapanuod ang tungkol sa buhay nya, ako mismo ay parang napahiya.
Mareklamo rin kasi ako.
Akala ko miserable na ang buhay ko.
Akala ko ako na ang may pinakamabigat na problema sa mundo.
Akala ko hindi ko na maaabot mga pangarap ko.
Akala ko hindi na ako magiging masaya... bagot na kasi ako...
Pero si Nick, iba... kakaiba sya...
Napaiyak.
Malusog ako.
Maganda naman ang pangangatawan.
May isip, may kakayahan.
Pero mareklamo ako...sya hindi.
Mas makabuluhan ang buhay nya kahit may kapansanan.
Patawad po Panginoon kung ako man ay mapaghanap.
Salamat sa biyaya at buhay na handog mo sa akin.
Salamat dahil maganda ang buhay na bigay mo sa akin.
Yan ang sabi ni Manang :)