Ito ang Pasko na malungkot at masaya para sa akin. Ito ang kauna-unahang Pasko na wala na ang mommy at daddy. Ngunit dahil sa kabutihan at pagmamahal ng mga tiyo, tiya, pinsan at pamangkin ko naging masaya at makabuluhan ang Pasko 2013.
Tita Lita and family...
Tito Julian, Tita Tessie and family...
Tita Linda and family
Tito Boy ... (with his nieces, wala ang mga anak e...)
Tito Pito, Tita Rose and family...
Tito Peping, Tita Baby and family...
Irene and Abby ... (nasa Canada si Tita Ningning e...)
Tito Dan, Tita Josie and family...
Tito Celso, Tita Beth and family...
Tito Kits, Tita Neth and Joy...
Tito Genie, Tita Claire and family...
Tito Romy, Tita Bella and family...
Tatang with Tito Noel's sons Jay and Joshua...
Ang "The Sisters" and their husbands...
FIRST GENERATION
Kami naman na magpipinsan...
SECOND GENERATION
hahaha... ang gulo!
Ang mga bagets naman...
THIRD GENERATION
mas magugulo!
Ang First Generation muna ang namigay...
tig bebente lang talaga! LOL!
In fairness, mas maayos na ngayon ang pila,
nakaupo na ang mga sponsors :)
Pero mas masaya kami na namigay kasi
napasaya naman namin sila.
Salamat sa aking mga kamag-anak wala man ang aking mga magulang ay hindi naman nila ako pinabayaan na maging malungkot ngayong Pasko.
Malamig na simoy ng mabangong hangin
Na tanging sa pisngi ng langit nanggaling,
Ang inihahatid
Sa bukas na dibdib
Ng sangkalupaang dagi sa hilahil
At sala sa lalong tapat na dalangin. . .
Sa likod ng bundok ay namamanaag
Ang kaakit-akit na isang liwanag;
Ang ibinabadha
Ay malaking tuwa
Na di mag siyang malalasap
Ng lahat ng taong may mabuting hangad.
At ang ating puso ay muling hahagkan
Ng madlang ligayang di mapapantayan—
Ang diwa ng Pasko
Ang pista ng mundo—
Ang araw na siyang sa ati’y nagbigay
Ng buhay sa puspos ng madlang kariktan.
- - -
Ang tulang ito ay isinulat ni Benigno Zamora noong taong 1904.
to become sons of God.
-- CS Lewis
Yan ang sabi ni manang!