Manang na nga kung maituturing...
May edad na kung tutuusin...
Pero sa mga nagdaang taon marami namang natutunan sa buhay...
Maaari na ngang tawagin na manang...
Ano na nga ba ang nangyari sa mga nagdaang taong?
... nakatapos ng pag-aaral na may karangalan (alay ko sa aking mga magulang)
... nagwagi sa iba't ibang patimpalak (local, regional, national)
... makapagturo sa isang tanyag na institusyon (CSA forever!)
... maging guro sa libo-libong bata na ngayon ay mga propesyonal na
... makatapos ng dalubhasang pag-aaral sa Relihiyon (ewan ko ba?)
... naglingkod sa pamahalaan sa pamumuno ni Pang. Cory Aquino
... naging Youth Ambasssador sa Malaysia (kasama si Kiko Pangilinan)
... mabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng pamumuno sa
kagawaran ng CSA-Grade School
... malinang ang kakayahan bilang guro, tagapag-ugnay sa CLE, at
accreditor ng PAASCU
... makapaglingkod sa Simbahang Katoliko sa murang edad
(hanggang ngayon...)
... nakapagbigay ng pag-asa sa mga mangingisda at magsasaka sa Malolos
(pagtatayo ng tulay at irigasyon)
...lumabas sa TV (Tatak Pilipino, na kinapanayam ni Jim Paredes at Gel Santos-Relos
dahil sa naiambag sa bayan ng Malolos)
... makapagbahagi ng kaalaman sa mga layko, katekista, yuppies, kapwa guro
... ibahagi ang kultura ng Pilipinas sa International Community
... makapagsulat ng libro (na hindi pa matapus-tapos at malimbag)
... nagalugad ang Pilipinas lalo na ang mga lugar na sadyang nakakaakit
... nag whitewater rafting sa CDO at tumalon sa tulay na 30 ft ang taas
... matulog sa ilalim ng mga bituin -sa Majayjay,Laguna at
Sainte Pierre, Venasque (sa France yan!)
... mag camping sa loob ng Subic Virgin Forest kasama ng mga Aeta
... makita ang kagandahan ng ilalim ng karagatan (snorkel lang!)
... nakapunta sa Italya (Roma, Assissi, Nettuno, Nice, Arenzano, Milan...)
... makita ang mga gawa ng mga maestro sa sining - Monalisa, Nike, Venus,
David, atbp.
... lumangoy sa Mediterrean Sea (ang alat!)
... makita ang Santo Papa (tatlong beses, malapitan!)
... nakalibot sa ibang parte ng Asya (Singapore, Malaysia, Hongkong,
China, Thailand)
... umakyat sa Great Wall of China sa aking kaarawan (Oh yeah!)
... narating ang France ( Paris, Lourdes, Lisiuex, Avignon, Venasque)
... umakyat sa Eiffel tower
... makakita ng mga santo sa kanilang katawang-lupa
... makapasok sa kumbento ng mga Carmelite sa Lisieux kung
saan namalagi buhay si Santa Teresita
... natutong mabuhay ng mag-isa
... natutong umibig
... naranasan na mabigo at masaktan
... nakapag-ipon at mabili si Bogart (kotse)
... magkaroon ng mga mabubuting kaibigan (daughters & martyrs of babylon, mga
wicked sisters, brothers and mothers!)
... mapangalagaan ang aking mga magulang
... nagdalamhati ng lubos sa pagpanaw ng ama
... mapalalim ang pananampalataya sa Poong Maykapal
Tatlumpu't walong mahahalagang pagyayari, karanasan, relasyon, emosyon...
Anuman ang nangyari sa mga nagdaang mga taon, lubos ang pasasalamat sa Maykapal sapagkat may panibagong taon na haharapin upang maranasan ang ganda ng buhay kapiling na ngayon ang ina, kamag-anak, kaibigan at inspirasyon sa buhay (meron ba?)
Salamat at ikaw ay naging bahagi ng buhay ko....
Sana ay may naiambag din ako sa mahahalagang karanasan ng buhay mo...
Yan ang sabi ni Manang :)