Kapistahan ng Banal na Awa ng Diyos (Divine Mercy)...
Kapistahan ni San Jose, Manggagawa...
Araw ng beatipikasyon ng Santo Papa Juan Paolo II...
Panimula ng Flores de Mayo, pag-aalay kay Inang Maria...
Tunay na banal na araw... tunay na puno ng biyaya...
KAPISTAHAN NG BANAL NA AWA NG DIYOS
Ang Dakilang Awa ng Diyos o Banal na Awa (Ingles: Divine Mercy) ay isang debosyong Katoliko Romano na nakatutok sa awa ng Diyos at ang kanyang kapangyarihan, lalo na bilang isang paraan ng pagpapasalamat at pagtitiwala sa awa ng Diyos.
Ang debosyon bilang kilala ngayon ay maaaring maintada sa madreng Polako at santa na si Sister Maria Faustyna Kowalska, na kilala bilang ang "Alagad ng awa", na nabuhay noong 1905 hanggang 1938[1]. Ito ay batay sa isang taludtod sa Bibliya: Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.[2] na sa kahit sino na naghahanap ng awa ng Diyos ay hindi makalayo. Ayon kay Kowalska, si Jesus, sa mga panloob na pananalita sa kanya, kanyang hiniling na ikomisyon ng isang larawan ng kanya na may salitang Jezu Ufam Tobie (Jesus, ako ay nananalig sa Iyo) na nakalagay sa ibaba.
Noong 2000, opisyal na itinatag ni Santo Papa Juan Pablo II ang Kapistahan ng Banal na Awa ng Diyos sa lahat ng dako para sa Simbahang Katoliko sa parehong araw na inilista rin niya sa mga santo si Sta. Faustina. (Wikipedia)
Pumanaw Ka, Jesus, subalit and Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan.
O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong Sarili para sa aming lahat.
O Banal na Dugo at Tubig, na dumaloy mula sa Puso ni Jesus bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa Iyo.
Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x) AMEN.
O Jesus, Hari ng Awa, ako ay nananalig sa Iyo!
KAPISTAHAN NI SAN JOSE, MANGGAGAWA
Ang ginugunita ngayon ay ang pista ni SAN JOSE esposo ni Maria sa taguring na SAN JOSE MANGGAGAWA. Ang hangarin ng Santa Iglesya ay ang itugma sa diwa ng aral ni Cristo ang kapakanan ng manggagawa at ito’y ihabilin sa pagkalinga ni San Jose, ang ulirang manggagawa na taga Nazaret, sa araw na ito ng Paggawa.
Noong Mayo 1, 1955, nagtipon sa St. Peter’s Square ang samahang Katoliko ng mga Manggagawang Italyano upang ipagdiwang ang ikasampung anibersaryo ng kanilang organisasyon. Kasabay nito, itinalaga ni Papa Pio XII ang unang araw ng Mayo bilang kapistahan ni San Jose, ang manggagawa.
Sinabi ng Papa na ang mga manggagawa ay mayroong pastol, tagapagtanggol at ama sa katauhan ni San Jose. Hinihikayat niya ang lahat ng mga manggagawa na dumulog kay San Jose, ang ulirang ama at manggagawa. http://tvmaria.wordpress.com/2011/05/01/san-jose-manggagawa/
Mahal ng Santo Papa ang mga Pilipino...
At mahal na mahal din natin sya, walang duda. Kahit 6 na taon na ang nakaraan mainit pa rin ang ating pagtanggap sa anumang balita tungkol sa kanya.
Kaya naman ang kanyang beatipikasyon ngayon ay isang mahalagang araw para sa atin... habang ginagawa ko ito ay nanunuod ako ng misa sa Vatican City.
Naaalala ko ang mga araw na ako ay namalagi doon at nakasama ang Santo Papa at ang milyon-milyong kabataan sa buong mundo...
Salamat po Panginoon at binigay mo po sa amin si Juan Paolo II.
Tunay na banal... tunay na alagad ng Diyos...
Panalangin ko po sa inyo Banal na Juan Paolo II ang lubusang paggaling ng aking ina sa kanyang karamdaman... alam nyo po ang hiling ng aking puso... ang aking dalangin ay hindi para sa aking sarili kundi para sa aking ina...
Alam kong diringgin mo ang aking panalangin...
Banal na Papa Juan Paolo II....ipanalangin mo po kami.
Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan.
Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang nagsimula noong 1854 nang ang Vatican ay nag- proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulakan at kinalaunan ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga.
Karaniwang rituwal na nagaganap tuwing Flores de Mayo sa buong buwan ng Mayo ay ang tinatawag na Alay sa Birhen o Alay kay Maria bilang debosyon kay Birheng Maria. Ang mga mamamayan ay namumupol ng makukulay na bulaklak upang palamutian ang altar ng simbahan tuwing hapon. Ang mga batang babae naman (na kadalasang nadadamitan ng puting baro, na animo'y mga anghel) ay nagsasaboy ng mga bulaklak habang naglalakad papunta sa harap ng altar. Ang mga kadalagahan naman ay may hawak na maliliit na kawayan na may letrang bumubuo sa salitang AVE MARIA. Susundan naman ito ng mga deboto na mag-aalay ng bulaklak kay Maria kasabay ng pag awit at pagbigkas ng rosaryo. (WikiPilipinas)
Isang masayang okasyon ito sa akin... naaalala ko pa na madalas akong maging sagala pag flores de mayo. Pero higit doon ay mas natanim sa aking isipan ang araw araw na pag-aalay ng bulaklak kay Inang Maria kalakip ang isang dalangin.
Nawa ang buwan ng Mayo ay maging makabuluhan muli... isang bulaklak, isang panalangin... O Mahal na Ina ng Flores, dinggin mo ang panalangin ng iyong mga anak.
Ano ang maaring kabuluhan nito sa ating buhay? ... Marami...
Sa araw-araw tayo ay nabubuhay sa awa ng Diyos...
Hindi ba palagi nating naririnig sa matatanda... "May awa ang Diyos"...
Ano man ang kalalagayan sa buhay ang lagi nating sambit "May awa ang Diyos"
Nawa ang awa ng Diyos ang ating maging sandigan upang tayo ay makapamuhay ng may kabanalan at pag-ibig, sa Diyos at sa kapwa...
Si San Jose na manggagawa ang ating ehemplo ng tunay na alagad ng Diyos...
Tahimik, mapagpakumbaba, banal...
Nawa ang lahat ng ating gawain sa tahanan, sa pamayanan, sa sambayanan ay mamunga ng mabuti at makapag-bigay buhay sa nangangailangan...
Ang Santo Papa, Juan Paolo II... isang tunay na alagad ng Diyos. Siya ang buhay na naggabay sa ating lahat. Walang pag-aalinlangan na tayo ay kanyang ginabayan sa modernong panahon sa tama at tuwid na landas (sorry Pnoy, mas bilib ako sa kanya e).
Alam ko, siya lang ang Santo Papa sa puso ko...
Ag Mahal na Ina... tunay na minahal ng Santo Papa... Totus Tuus Maria!
Lahat ay kanyang anak, lahat ay kanyang minahal, lahat ay kanyang kinalinga.
Ang Mahal na Ina na lubos na nagmahal sa kanyang Anak at sa lahat ng mga anak sa mundong ito... Alay po namin sa inyo ay mga bulaklak, simbulo ng aming lubos na pasasalamat na sa buhay naming ito ay may isang Ina kami na matatakbuhan...
Ano pa ba ang mahihiling natin? Napakalaking biyaya ang araw na ito!
Nawa magbunga ng marami ang punla na naitanim para sa atin at sa buong sanlibutan!
Yan ang sabi ni Manang :)